Grabe na talaga ito at hindi lang ako ang nagsasabi. Narinig ko rin ang ibang mga pasahero, kaibigan at mga katrabaho ko na nagsasabing ang "laki" talaga ng itinaas ng pamasahe natin. Buti na nga lang meron pang MRT at LRT, kahit na nagkakaproblema ito minsan. At least, di iyon nagtaas ng presyo nila. Iyong dating P7.00 na pamasahe sa jeep, naging P7.50 tapos ngayong Hulyo naging P8.00 na. Sa fx naman, iyong dating P20.00, naging P25.00 kung nag-abang ka ng wala sa pila at P30.00 kung nasa pila ka. Sa shuttle, P50.00 na ang pinakamababa. Kapag galing ka pa ng Ortigas at pauwi ka ng San Mateo, P60.00 na!
Heto pa, ang mga bus, hindi mo talaga maintindihan ang presyo nila. Kapag malapit lang mga tipong 1km., P12.00 - P14.00 lang daw. Iyong iba, meron pang P15.00! Narinig ko pa nga iyong ale na nakikipag-away sa konduktor pero ipinipilit ng konduktor na P15.00 daw talaga! Masisisi ba natin iyong ale? Hindi naman diba?! Kaya ginagawa ko, eksaktong P12.00 ang ibinabayad ko. Hinihintay ko talaga na sila ang magsabi na kulang iyong bayad ko. Praktikal.
Alam ko nakakarelate ang marami rito lalo na iyong mga breadwinner o mga nagdadala ng bacon sa bahay. Ang laki kasing poryento ng kinikita ng isang tao ang napupunta lang sa pamasahe. Ako at iyong iba kong mga kaibigan, napakalayo ng bahay namin sa opisina kaya dama namin itong pagtaas ng pamasahe. Kahit iyong friend ko na may kotse, nagko-commute na lang eh. Ginagamit na lang nya kotse nya kapag maulan talaga. Kailangan nating maging praktikal. Halos lahat tumaas ang presyo pati nga tax pero ang sahod mo kakarampot pa rin di naman tumataas kaya mararamdaman mo talaga kahit sabihing P2.00 - P5.00 lang ang itinaas ng pamasahe. Diba nga iyong iba di nakakapasok dahil wala ng pamasahe? Grabe, ganito na pala ngayon.
Ang Pangyayari - Hunyo 14, 2008 (Sabado ng gabi)
Naalala ko pa nun na ang pamasahe ay P2.50, nasa elementary pa ko nun. Tapos naging P4.00 nung high school na 'ko. Nagko-commute kasi ako kaya natatandaan ko pa. Pati mga tricycle din nagtaas ng presyo. Meron pa nga akong experience na nakipagbungangaan pa sakin un tricycle driver. Ganito kasi iyon. P18.00 ang pamasahe mula sa sakayan hanggang sa bahay namin. Kaya pagbaba ko, nagbayad ako ng P18.00. Sinabihan ako ng driver na kulang 'yong ibinayad ko. Sabi ko diba P18.00 lang? Rush hour daw at tumaas ang pamasahe. Eh un P.18.00, katataas lang, iyon ung dating P17.00. Aba, nagalit kaagad. Eh dahil ayoko na ng away tsaka baka may topak pa ito at kung ano pang gawin, binigyan ko na ng P2.00 para matapos na tapos sabi ko sa kanya, "Ayan, abuloy ko sa'yo. Merry Christmas ha!" Sabay alis tapos ang sama pa ng tingin sa akin. Siyempre mahirap na patulan kahit papaano alam nung driver iyong bahay namin baka pagtripan or what, diba? Marami na kasi tarantado ngayon eh kaya kapag sumasakay ako ng tricycle, never ako nagpapababa sa mismong tapat ng bahay namin. Pag-iingat lang din tsaka ayoko lang talaga. Nagkataon lang na nung mga oras na iyon eh sa tapat ng bahay ako mismo bumaba kasi mabigat iyong dala ko at ayoko maglakad ng malayo. Siya lang naman iyong naka-encounter kong ganyan, un iba hindi naman, Kaya 'pag nakikita ko siya di talaga ako sumasakay. Nag-aabang talaga ako ng ibang tricycle hanggang minsan tinanong ako ng kasamahan niya kung bakit daw di ako sumasakay sa tricycle 243*. Sinabi ko kasi P#^!U@~-@#$ niya kasi siya pa galit, sugapa. Eh ang hirap na nga kumita ng pera ngayon tapos ganoon pa siya maningil. Buti kung tumatai ako ng pera pero mali pa rin iyong pagsingil nya.
Hahaha, hindi naman sa galit ako, nakakainis lang. Alam mo iyong feeling na pagod na pagod ka, mabigat dala mo, tapos bubulyawan ka, overpricing pa dvah?! Haler! Kung naging si Hancock lang ako, inihagis ko na 'yong driver sa ulap para magtanda siya sa ginawa nya. :o)
No comments:
Post a Comment