Una akong nag-blog nun taong 2000. Kaso, hindi ko na naituloy dahil naging busy na ako nun sa thesis ko tapos di ko na rin matandaan iyong password at account ko sa blogspot. Tapos, wala rin namang bumibisita ng blog ko nun, mga kaibigan ko lang, nakaka-frustrate ehehehe. Hahaha, siguro pinagbigyan na lang nila ako. Noong time na iyon, aksidente lang ang pagkakatagpo ko sa blog. Nasa school ako nun, breaktime kaya nasa Internet Lab ako. Nagreresearch ako tapos isa sa mga link ay isang blog, tungkol pa nga iyon sa computers. Kaya iyon, naisip ko ring gumawa ng sarili kong blog. Personal blog ang nagawa ko kasi wala naman ako maisip eh. Basta nun, gusto ko lang magkaroon ng sarili kong blog, iyong tipong dadalawin talaga pero mabibilang lang talaga ang dumadalaw. Lolz! Huli na nga ako sa uso kasi sabi nila, 1997 pa raw nagsimula ang blogging. Eh ako, 2000 ko na nasimulan at aksidente pa ang pagkakadiskubre ko sa blog. Huli na ako sa balita.
Taong 2002, nagkaroon ng Friendster. Nakita ko may blog din sa friendster.com pero di ko rin naman masyado nagamit. Nagpost lang ako ng mga item ko na binebenta ko. Masaya naman kasi kahit papaano talagang may nakakabasa at may bumibili sa akin. Siguro dahil nga sikat ang Friendster eh kaya marami dumadalaw sa account ko kaya may nagtiyagang magbasa ng blog ko. Meron din naman akong account sa Multiply pero iyong blog ko ro'n puro naman kalokohan lang as in diary at travel adventures. Friends ko lang din ang nakakakita tapos ginawa ko pang private eh di lalong wala masyadong makakabasa ng blogs ko diba?! Good luck naman sa akin!
Umaga ng 2008, nagtext sa akin ang friend kong webmaster na Bloggers' Choice Award nominee, si Dave*. Umattend ako sa seminar niya tungkol sa blog at ibinigay niya ang sites na makakatulong sa pagpapaganda ng blog. Kaso nga, busy na naman ako eh. Hahaha. At least, nalagyan din ng laman itong blog na ito. Matagal ng nakatiwangwang pero ang konti ng laman. Nakalista rito ang mga blog ng mga kaibigan kong adik. Adik tawag ko sa kanila kasi ang sipag mag-blog eh. Di ko nga malaman kung saan at kung kailan at kung paano pa sila nagkakaroon ng oras para makapag-blog. Not to mention, iyong iba sa kanila eh pamilyado at may sarili pang negosyo. Sobrang busy nila pero dedicated sa blogging! MAKI-blog ka na rin, pinoymaki!

Ang nagustuhan ko sa blog eh dahil sa iyo ito, bahala ka kung kailan mo gusto i-update ang laman. Sa trabaho ko bilang isang teknikal na manunulat, may mga sinusunod talaga sa pagsusulat ng isang manual o user's guide. Sa blogging, bahala ka kung ano gusto mo isulat at kung anong format ang gusto mo. May ilang beses na rin akong nasita sa trabaho dahil hindi ko nasunod un format, nakalimutan ko manual pala iyon at may procedures na sinusunod. Nung naging freelancer ako sa isang magazine, kailangan namang sundin ang sukat at format nila. Kaya kahit medyo may kahabaan iyong ipinapaliwanag ko, pinipilit ko itong paiksiin para kumasya sa space na nakalaan sa article ko. Sabog na naman ako nung mga panahong iyon kaya napagsabihan ng makailang ulit.ΓΌ
Kaya okay itong blog eh. Kasi walang sisita sa iyo, walang pakialaman kasi blog mo ito. Tapos, meron pang mga blogger na willing magreview ng gawa mo, saan ka pa?! Mag-blog ka na rin. Para mo na rin itong paperless diary. Kung tinatamad kang magkuwento, pwede mo sabihin sa kausap mo na basahin na lang nya ang blog mo. Astig! :o)
Ito ang sites ng mga hanep na adik na talagang nakakaelibs: [alphabetical order]
(I'll be adding more blogsites & websites soon. Please send me your blog/websites at allstuffonline@yahoo.com and I'll post it here.)
Blogsites:
Websites:
2 comments:
Bigan, ngayon ko lang nabasa ang blog mo ah... hmmm.. ok ito ah.
Add kita sa links ko sa pagodkanaba.blogspot.com at sa website natin sa www.broodonline.com ... hanep... pati na rin yung iba mong blogs...
Then sali ka sa www.entrecard.com .. para magawan din kita ng blog review sa todaysblogreview.blogspot.com
Take care always!
~ Ty Dave. Now ko lang ito ulit nabuksan. Hahaha! Thanx sa compliments mo. :)
Post a Comment